VI.
Nagbalik
sa Estados Unidos si Bertha Carvel makalipas ang isang linggo buhat ng
pagkikita nila ni Polintan. At paglipas pa ng mga araw, nagsimula na naman
siyang sumulat ngunit hindi na ang paksang “Ang Kutsilyo sa Kamay ng Bata”
kundi sa paksang “Nasa Pagtupad ang Kadakilaan ng Pangako”.
Ang
malungkot na alaala ng isang salantang beterano na natagpuan nila sa luneta ang
naging patnubay niya sa pagsulat ng akdang ito.
Napabuntunghininga
siya at sinabi ang mga katagang, “ang isang baying nagkaroon ng mga anak na
natutong maghain ng buhay sa ikadadakila ng ibang bandila at sa ikaluluwalhati
ng sangkatauhan ay bayaning karapat dapat sa kagyat, lubos at ganap na paglaya.”
No comments:
Post a Comment