V.
Labis
ang lungkot na nararamdaman ng tinyente at Bertha. Napansin ni Polintan ang
luha ng dalaga at nagpaumanhin ito sa dalaga. Si Philip ang sumagot kay
Polintan, ipinahayag nito na si Bertha Carvel ang bugtong na anak ng itinatangi
nitong pinuno. Nagilalas si Polintan sa nalamn at pinuri ang dalaga. Nahiya ang
dalaga dahil sa nangyari; ipinaalala niya ang tunggaliang nangyari noong sila’y
nagsisipag-aral pa, kung saan si Polintan ang nagwagi.
Ayaw
n asana niyang maalala pa ng binata ang pangyayaring iyon dahil sa kanyang
pagkatalo ngunit sinabi ni Polintan na hindi niya kailanman inaalala ang mga
pagkakamali ng kanyang kapwa bagkus ay ang mga mabubuti at magagandang ginawa
nito. Kung kaya’t tuluyan nang nabura anumang hinanakit at paghihiganting nasa
loob ni Bertha.
Nagtapos
ang pag-uusap na iyon nang isuot ni Philip ang sombrero ni Polintan at
isinampay naman ni Bertha ang gaban ng binata kasama ang mabango at maputi
niyang panyo.
No comments:
Post a Comment