Monday, January 18, 2016


               IV.   
      Dahil sa pamimilit ni Tinyente Philip Hall kay Bertha Carvel na samahan siya sa paglalayag sa mga kapuluan kaya magkasama sila ngayon sa Luneta Park kung saan sila pansamantalang nagpapahinga. Makaraan ang ilang sandali, pinatugtog ang pambansang awit ng Estados Unidos ng bandang kostabularya kaya napatindig sila upang magbigay ng paggalang dito ngunit napansin ni Bertha ang lalaking naka sombrero’t nakagaban sa isang sulok na hindi man lang nag-abalang tanggalin ang sombrero nito.
        
     Hindi niya napigilan ang pagkadisgusto sa inasal ng lalaki kaya sinabi niya ito sa pinsang tinyente. Dahil sa katangiang naman ng tinyente, mahinahon parin itong lumapit sa lalaki at dahan-dahang inalis ang sombrero nito. Nagulat ang lalaki at napaharap ito sa tinyente. Tinanong ng tinyente kung anong rason nito kung bakit hindi ito nagpamalas ng paggalang sa awitin. Imbes na magsalita ang lalaki, iginalaw nito ang mga balikat dahilan upang malaglag ang gaban nito. Nabigla ang magpinsan dahil nasilayan nila ang mga pilat sa katawan nito at ang putol nitong mga kamay.

      Nagpakilala ang naturang lalaki bilang si Arcadio Polintan, ang lalaking gusting paghigantihan ni Bertha ng mahabang panahon. Ngunit wasak na wasak na ito. Hindi napigilan ng dalaga ang kalungkutang lumukob sa kanya dahil sa natuklasan. Isinalaysay ni Polintan kung paanong nangyari sa kanya ito sa panahong napasabak sila ng kanyang pinunong si Heneral Carvel ng matinding digmaan dahilan ng pagkamatay nito.

No comments:

Post a Comment