II.
Isang
di inaasahang panauhin ang bumulaga kay Bertha Carvel. Isang nagngangalang
Ginoong Robertson, miyembro ng kapulungan sa Wall Street. Sinadya siya nito
upang alukin na sumulat ng isang aklat laban sa pagsasarili ng Pilipinas sa halagang
animnapung libong dolyar.
Tumawa
siya at sinabing may nag-alok din sa kanyang mangangalakal sa Londres na
sumulat ng isang aklat sa kilusan sa Indiya na pinamamatnugutan ni Gandhi sa
halagang dalawang libong libras esterlines.. inakala ng ginoo na nagpapataas ng
tawad ang dalaga kaya sinabi nito na magdadagdag sila. Sukat sa narinig, sinabi
niya ang tungkol sa aklat na kanyang isinusulat na pinamagatang, “Ang Kutsilyo
sa Kamay ng Bata” na alinsunod sa aklat na gusto nitong kanyang isulat. Napapangalahati
na niya ang aklat kung saan gusto niyang patunayan na kung paanong ang kalayaan
sa kamay ng isang paslit na bata na maaaring igilit sa sariling lalamunan. Natuwa
ang ginoo at ginawang isang daang libong dolyar ang alok sa kanya ngunit hindi
parin niya ito tinanggap.
Upang higit na makalikom ng mga tala at ulat na makapagbibigay ng lalong kislap sa kanyang aklat, tutungo siya sa bansang Pilipinas.
No comments:
Post a Comment