Monday, January 18, 2016


     
              III.

        Kapapanhik pa lamang ni Bertha Carvel kasama ang pinsang si Tinyente Philip Hall sa sillid niya sa manila Hotel magmula pa kaninang makarating ang sinakyan niyang `President Jackson` na nanggaling pa sa Estados Unidos. Hindi niya lubos akalaing maraming tao ang mag-aabang malita lang siya.
      
           Nag-uusap sila sa silid ng dalaga nang mabanggit niya sa tinyente ang dahilan ng kanyang pagdayo sa bansang Pilipinas. Ang nasabing balak ni Bertha ay matiim na sinalungat ni Philip. Sinabi ng binata kung paanong kahabag-habag ang bansang iyon at nararapat lamang ang pagkakaloob dito ng kalayaan. Ngunit parang hindi iyon narinig ng dalaga dahil sa poot na nararamdaman.

      
            Sila’y nagtalo at sa huli, tinanggal ng dalaga ang tungkuling ibinigay sa pinsan sa pagsama nito sa kanyang paglalakbay sa bansang iyon.

No comments:

Post a Comment