Monday, January 18, 2016




          VI.

       Nagbalik sa Estados Unidos si Bertha Carvel makalipas ang isang linggo buhat ng pagkikita nila ni Polintan. At paglipas pa ng mga araw, nagsimula na naman siyang sumulat ngunit hindi na ang paksang “Ang Kutsilyo sa Kamay ng Bata” kundi sa paksang “Nasa Pagtupad ang Kadakilaan ng Pangako”.
    
      Ang malungkot na alaala ng isang salantang beterano na natagpuan nila sa luneta ang naging patnubay niya sa pagsulat ng akdang ito.

   
     Napabuntunghininga siya at sinabi ang mga katagang, “ang isang baying nagkaroon ng mga anak na natutong maghain ng buhay sa ikadadakila ng ibang bandila at sa ikaluluwalhati ng sangkatauhan ay bayaning karapat dapat sa kagyat, lubos at ganap na paglaya.”



         V.

      Labis ang lungkot na nararamdaman ng tinyente at Bertha. Napansin ni Polintan ang luha ng dalaga at nagpaumanhin ito sa dalaga. Si Philip ang sumagot kay Polintan, ipinahayag nito na si Bertha Carvel ang bugtong na anak ng itinatangi nitong pinuno. Nagilalas si Polintan sa nalamn at pinuri ang dalaga. Nahiya ang dalaga dahil sa nangyari; ipinaalala niya ang tunggaliang nangyari noong sila’y nagsisipag-aral pa, kung saan si Polintan ang nagwagi.
     Ayaw n asana niyang maalala pa ng binata ang pangyayaring iyon dahil sa kanyang pagkatalo ngunit sinabi ni Polintan na hindi niya kailanman inaalala ang mga pagkakamali ng kanyang kapwa bagkus ay ang mga mabubuti at magagandang ginawa nito. Kung kaya’t tuluyan nang nabura anumang hinanakit at paghihiganting nasa loob ni Bertha.

    Nagtapos ang pag-uusap na iyon nang isuot ni Philip ang sombrero ni Polintan at isinampay naman ni Bertha ang gaban ng binata kasama ang mabango at maputi niyang panyo.

               IV.   
      Dahil sa pamimilit ni Tinyente Philip Hall kay Bertha Carvel na samahan siya sa paglalayag sa mga kapuluan kaya magkasama sila ngayon sa Luneta Park kung saan sila pansamantalang nagpapahinga. Makaraan ang ilang sandali, pinatugtog ang pambansang awit ng Estados Unidos ng bandang kostabularya kaya napatindig sila upang magbigay ng paggalang dito ngunit napansin ni Bertha ang lalaking naka sombrero’t nakagaban sa isang sulok na hindi man lang nag-abalang tanggalin ang sombrero nito.
        
     Hindi niya napigilan ang pagkadisgusto sa inasal ng lalaki kaya sinabi niya ito sa pinsang tinyente. Dahil sa katangiang naman ng tinyente, mahinahon parin itong lumapit sa lalaki at dahan-dahang inalis ang sombrero nito. Nagulat ang lalaki at napaharap ito sa tinyente. Tinanong ng tinyente kung anong rason nito kung bakit hindi ito nagpamalas ng paggalang sa awitin. Imbes na magsalita ang lalaki, iginalaw nito ang mga balikat dahilan upang malaglag ang gaban nito. Nabigla ang magpinsan dahil nasilayan nila ang mga pilat sa katawan nito at ang putol nitong mga kamay.

      Nagpakilala ang naturang lalaki bilang si Arcadio Polintan, ang lalaking gusting paghigantihan ni Bertha ng mahabang panahon. Ngunit wasak na wasak na ito. Hindi napigilan ng dalaga ang kalungkutang lumukob sa kanya dahil sa natuklasan. Isinalaysay ni Polintan kung paanong nangyari sa kanya ito sa panahong napasabak sila ng kanyang pinunong si Heneral Carvel ng matinding digmaan dahilan ng pagkamatay nito.

     
              III.

        Kapapanhik pa lamang ni Bertha Carvel kasama ang pinsang si Tinyente Philip Hall sa sillid niya sa manila Hotel magmula pa kaninang makarating ang sinakyan niyang `President Jackson` na nanggaling pa sa Estados Unidos. Hindi niya lubos akalaing maraming tao ang mag-aabang malita lang siya.
      
           Nag-uusap sila sa silid ng dalaga nang mabanggit niya sa tinyente ang dahilan ng kanyang pagdayo sa bansang Pilipinas. Ang nasabing balak ni Bertha ay matiim na sinalungat ni Philip. Sinabi ng binata kung paanong kahabag-habag ang bansang iyon at nararapat lamang ang pagkakaloob dito ng kalayaan. Ngunit parang hindi iyon narinig ng dalaga dahil sa poot na nararamdaman.

      
            Sila’y nagtalo at sa huli, tinanggal ng dalaga ang tungkuling ibinigay sa pinsan sa pagsama nito sa kanyang paglalakbay sa bansang iyon.

       II.

      Isang di inaasahang panauhin ang bumulaga kay Bertha Carvel. Isang nagngangalang Ginoong Robertson, miyembro ng kapulungan sa Wall Street. Sinadya siya nito upang alukin na sumulat ng isang aklat laban sa pagsasarili ng Pilipinas sa halagang animnapung libong dolyar.

       Tumawa siya at sinabing may nag-alok din sa kanyang mangangalakal sa Londres na sumulat ng isang aklat sa kilusan sa Indiya na pinamamatnugutan ni Gandhi sa halagang dalawang libong libras esterlines.. inakala ng ginoo na nagpapataas ng tawad ang dalaga kaya sinabi nito na magdadagdag sila. Sukat sa narinig, sinabi niya ang tungkol sa aklat na kanyang isinusulat na pinamagatang, “Ang Kutsilyo sa Kamay ng Bata” na alinsunod sa aklat na gusto nitong kanyang isulat. Napapangalahati na niya ang aklat kung saan gusto niyang patunayan na kung paanong ang kalayaan sa kamay ng isang paslit na bata na maaaring igilit sa sariling lalamunan. Natuwa ang ginoo at ginawang isang daang libong dolyar ang alok sa kanya ngunit hindi parin niya ito tinanggap. 
    
     Upang higit na makalikom ng mga tala at ulat na makapagbibigay ng lalong kislap sa kanyang aklat, tutungo siya sa bansang Pilipinas.

Ang Beterano
(Buod)
I.

Si Joseph Carvel, heneral ng brigada ng pangkat ng kabayuhan ng hukbo ng estados Unidos ay isa sa mga naghain ng buhay para sa dakilang simulain ng pagkakapantay-pantay; ama ng isang matagumpay na manunulat na nagkamit ng mga di mabilang na parangal, si Bertha Carvel. Tagapagmana ng kanyang nasirang ama, ngunit lingid sa kaalaman ng marami, ang natatanging katangian sa buhay niya ay ang maluwalhating kasaysayan ng kanyang angkan.

Magka ganon pa man, sa gitna ng kanyang mga tinatamasa, nagkukubli sa kanyang kalooban ans sugat na nilikha ng kahapon. Ang paglagapak ng kanyang tinamo dahil sa isang binatang Pilipino na nag-aral sa unibersidad ng Michigan na kung saan sila nagtunggali sa isang debate na “Dapat Palayain ang Pilipinas”

Dahil sa galit na nararamdaman, ang mga di maikukubling katangian ng naturang binata ay hindi nakita ni Bertha dahil sa kanyang mga mata, isang kapangitang walang katumbas.  

Thursday, February 12, 2015

Reflection


Fourth Grading: Finally!


Finally, the last grading period will pass. This means a number of days after, it’s graduation day!


Our topics this grading concentrated on Adobe Photoshop. It excites me a little because we already learned how to use it when we were in second year. It’s my dream to make stunning photos of my favourite KPOP BANGTAN BOYS. Parts and different tools of Photoshop were presented. Tutorials were flashed. And most of all, activities where our creativeness are tested were implemented.


Adobe Photoshop is intended to boost the imagination, the creativeness within the user. This grading made the goal for me. Thank you so much for teaching us Ma’am. I am very happy with the experiences.